JC & Apjoy
Huwebes, ika-18 ng Disyembre taong 2025
alas
2:00
ng hapon.

Maligayang pagdating sa aming website.
Hindi na namin mahintay ang araw ng aming pagdiriwang kasama kayo. Huwag mag-atubiling maglibot at mag-enjoy sa aming website. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta. Labis kaming nasasabik na maibahagi ang espesyal na araw na ito sa inyo!
Gusto man naming imbitahan ang lahat, ngunit pinili lamang namin ang mga taong malapit sa aming puso. Ayaw naming may mawalan ng upuan at nais naming masiguro na lahat ay makakakain at makakapag-enjoy nang maayos.
Paki-gamit ang aming hashtag para matulungan kaming madokumento ang aming espesyal na araw!
#JannPalagiKayApril
Ang Aming Kwentong Pag-ibig
Nagsimula kami bilang magkaibigan—matalik na magkaibigan nang mahigit dalawampung taon. Hindi namin inasahan na ang pagkakaibigang iyon ay mauuwi sa pag-ibig. Naglakas-loob kaming subukan ang pagiging magkasintahan, at magkasama naming hinarap ang bawat pagsubok: ang pandemya, mga suliraning pangkalusugan, at ang paghubog ng aming mga karera. Sa lahat ng iyon, nagtagumpay kami dahil hindi namin iniwan ang isa’t isa.
Patuloy naming pipiliing manatili at magmahal araw-araw.
Alam naming hindi magiging madali ang aming paglalakbay, ngunit nananatili kaming nagtitiwala sa Kanyang kalooban. Si God ang Arkitekto ng aming pag-ibig, ang Kompas ng aming landas, at ang Pundasyong matibay na kinatatayuan namin ngayon.
mga detalye
Gabay sa Kasuotan
Mga Bisita
Pormal na Kasuotan
Kababaihan:
Filipiniana
Kalalakihan: Barong Tagalog


Paalala: Magalang po naming hinihiling na iwasan ang pagsuot ng puti.
Kunan at Ibahagi
I-capture ang bawat espesyal na sandali—maging candid, sweet, o wacky man!
Huwag kalimutang i-tag kami at gamitin ang aming wedding hashtag para maibahagi ang pagmamahal.
Hindi na namin mahintay na makita ang inyong mga larawan! 📸💖
#JannPalagiKayApril
Gabay sa Regalo
Sa lahat ng biyayang ibinuhos ng Diyos sa amin, wala na kaming mahihiling pa. Ang inyong presensya at panalangin ay sapat na para sa amin. Ngunit kung naniniwala pa rin kayong may nakalaan kayong handog, lubos naming pahahalagahan ang anumang regalong pinansyal para sa aming kinabukasan.
Mga Paalala
Dumating sa tamang oras • Tapusin ang programa • Mag-enjoy at magsaya
Ang Pagdadausan



Mga Madalas Itanong

RSVP
Nasasabik kaming ipagdiwang ang espesyal na araw na ito kasama ang aming pinakamamahal na pamilya at mga kaibigan!
Mangyaring ipaalam sa amin kung makakadalo kayo bago o sa
ika- 11 ng Disyembre 2025.
I-scan ang QR code sa ibaba o pindutin ang buton.
Maraming salamat!








